TV

Dingdong Dantes, nag-adopt ng three-year-old endangered giant clam

By Jansen Ramos

Nag-adopt si Dingdong Dantes ng isang three-year-old endangered giant clam o taklobo mula sa Giant Clam Adoption Program ng Playa La Caleta resort sa Morong, Bataan.

"I'm proud to [na maging] isa sa mga tagapangalaga ng giant clam na 'to na dadalhin namin dito sa Playa so hopefully lumaki s'ya at maabutan ko, at ma-monitor ko pa kung anong mga mangyayari sa kanyang buhay at sana maging safe siya sa kanyang paroroonan," sambit ng Amazing Earth host sa Instagram video ng nature resort.

Ayon sa environmentalist na si Miguelito Camacho, ang giant clam ay isang bivalve mollusk na tumutulong sa paglinis ng tubig sa karagatan.

Aniya, "[Ang giant clam] ay isang bivalve mollusk. Ibig sabihin no'n, papasok 'yung tubig sa isang butas niya, paglabas sa kabilang butas niya [ay] malinis na 'yung tubig. So kung marami kang giant clam, 'yung tubig mo mas lalong lilinaw."

Dagdag pa ni Miguelito, "Merong kagandahan 'to para sa marine life kasi 'yung giant clam, 'yung labas n'ya merong bacteria do'n na kinakain ng isda. So kung meron kang giant clam, dadami ang isda sa lugar mo. Impotante siya sa pagpaparami ng reef."

Nakapagparami ang UP Marine Science Institute's Bolinao Marine Laboratory ng halos 43,000 giant clams matapos itong muntikang maubos dahil sa poaching.

Alamin ang iba pang detalye rito: