TV

Ang batang nagkakawag at Miss Bataan, may inspiring stories na ibinahagi sa 'Amazing Earth' | Ep. 94

By Maine Aquino

Kuwentong magbibigay sa inyo ng inspirasyon na pangalagaan ang kalikasan ang hatid ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth.

Nitong March 29, ang Miss Bataan 2018 to 2020 na si Malen de Guzman, ibinahagi ang kanyang environmental at tourism advocacy.

Bilang Miss Bataan, maraming mga proyekto ang pinagkaabalahan ni Malen. Parang makatulong sa kalikasan, ilang cleanup at tree planting activities ang kanyang sinalihan.

Kuwento ng bata ang susunod na magbibigay inspirasyon sa inyo.

Si John Lloyd Beronio ay nagkakawag sa dagat para pangtulong sa kanyang pamilya. Para ma-experience niya ang saya ng pagkabata, dinala siya ng Amazing Earth sa isang beach kasama ang kanyang ina.

Abangan ang iba pang makabuluhang kuwento ng Amazing Earth tuwing Linggo pagkatapos ng 24 Oras Weekend.