TV

Usapang basic needs, mapapanood sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino

Kuwentong basic needs ang pag-uusapansa Amazing Earth ngayong Linggo, May 31.

Ibabahagi ni Dingdong Dantes kung gaano kahalaga ang basic needs sa animal kingdom.

Ikukuwento rin niya ang iba't ibang mga paraan para maka-survive ang mga hayop para sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

Abangan ang makapigil hiningang mga kuwento ngayong Linggo sa Amazing Earth, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.