TV

Heart Evangelista at ang kuwento ng kanyang aspin na si Panda

By Maine Aquino

Ngayong June 7, si Heart Evangelista ang makakasama ni Dingdong Dantes para ibahagi ang mensahe ng pag-aalaga ng aspin sa Amazing Earth.

Ipapakilala ni Heart ang kanyang fur baby na si Panda at ipapakita niya kung paano niya ito alagaan. Ibabahagi rin ni Heart kung bakit malapit sa puso niya ang mga aspin na tulad ni Panda.

Abangan ang kuwentong ito ngayong Linggo sa Amazing Earth, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.