TV

'Amazing Earth,' ipapalabas na ang fresh episodes ngayong July 26

By Maine Aquino

May bagong kaabang-abang na episodes na mapapanood sa Amazing Earth.

Ngayong July 26, magsisimula na ang pagpapalabas ng fresh episodes ng Sunday infotainment show na Amazing Earth. Sa episodes na ito magpapakita ng bagong magagandang istorya si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Bago rin ang Amazing Earth heroes na mapapanood dahil ang mga ito ay may kuwento tungkol sa kanilang pagharap sa COVID-19.

Saad ni Dingdong, "Mayroon tayong in-interview na isang doktor, na commercial model na nakasama ko sa isang commercial. Frontliner siya ngayon sa isa sa mga pinaka-busy na mga ospital sa Manila."

Dugtong pa niya, may kuwento rin mula sa doktor sa New York.

"Pangalawa, mayroon tayong doktor na Pinoy na naka-base sa New York. Bibigyan niya tayo ng perspective kung paano ang COVID-19 sa Estados Unidos."

Isang estudyante na nasa Wuhan ang kanya ring nakausap para ihayag ang kuwento mula sa lugar kung saan nagmula ang COVID-19.

"Sobrang interesting para sa akin din, isang estudyante na nasa Wuhan nu'ng nag-lockdown. By choice, nanatili siya roon, kasi he's taking up something, kanyang PhD at ikukuwento niya sa atin kung ano 'yung naging experience niya sa loob mismo ng Wuhan, kung saan nagmula ang COVID-19."

Abangan ang fresh episodes ng Amazing Earth ngayong July 26 bago mag-24 Oras Weekend.

Dingdong Dantes, tumutulong sa displaced TV and film workers

Dingdong Dantes's delivery app riders take first aid training