TV

Dingdong Dantes, ibabahagi ang mga kuwento tungkol sa mga hayop na may incredible fangs

By Maine Aquino

May bagong adventure na hatid si Dingdong Dantes sa Amazing Earth ngayong Linggo, November 22.

Bibida sa Amazing Earth ang mga hayop na may incredible fangs.

Sa mga kuwento ng Kapuso Primetime King ay ipapakita ng iba't ibang mga hayop ang kanilang mga paraan sa pagkuha ng pagkain, pakikipaglaban sa animal kingdom, at iba pa gamit ang kanilang mga pangil.

Photo source: Amazing Earth

Abangan ang episode na punong puno ng aral at adventure ngayong Linggo, 5:25 p.m. sa GMA Network.

Amazing Earth: Filipino sand artist makes waves abroad!

Amazing Earth: Saving the sacred Alegria 'toog' tree