TV

Pagbuo ng survival garden at iba pa, mapapanood sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino

Usapang pagtatanim ang mapapanood ngayong Linggo sa Amazing Earth.

Sa episode ngayong January 24, ibabahagi ni Dingdong Dantes ang kuwento tungkol sa survival garden. Ipapakita sa Linggong ito kung paano ba ito gawin at ano ang mga benepisyong makukuha sa pagbuo nito.

Photo source: Amazing Earth

Mapapanood rin sa Amazing Earth ang isang tambakan na ginawang gulayan. Mayroon pang kuwento ng mga hayop na may kakaibang talento.

Abangan ang mga kuwentong amazing ni Dingdong Dantes ngayong January 24, 5:25 p.m. sa GMA Network.

Amazing Earth: Winning dishes from swamp snails!

Amazing Earth: Bird sanctuary in Metro Manila?