TV

Ang kuwento ng mga paniki at plantable paper, ibinida sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino

Sa Amazing Earth episode nitong May 16 ay bagong kaalaman ang ibinahagi ni Dingdong Dantes sa mga manonood. Ito ay ang kuwento ng paniki at ng eco-friendly na plantable paper.

Isa sa ibinida ng Kapuso Primetime King ang alamat ng Alan o isang bat-like creature na sinlaki ng isang tao.

Kaniya ring ibinahagi kung bakit importante ang mga bat o paniki sa ating kapaligiran at kung bakit hindi ito dapat katakutan.

Photo source: Amazing Earth

Isa pang naging kuwento nitong Linggo ay ang pagre-recycle ng mga papel. Isang specialty store ang nagbahagi ng kanilang produkto na friendly sa ating kalikasan at ito ay ang plantable paper.

Abangan ang iba pang magagandang kuwento ni Dingdong Dantes tungkol sa ating mundo sa Amazing Earth tuwing Linggo sa GMA Network.

RELATED CONTENT:

Amazing Earth: How will the Kaliwa Dam Project affect the Dumagat tribe?

Amazing Earth: Mysteries behind the Intramuros ghost walk