TV

Dingdong Dantes, may masaya at libreng adventure sa North America

By Maine Aquino

Siksik sa adventure ang ating Linggo dahil may bago tayong mapapanood na mga kuwento sa Amazing Earth.

Sa episode ngayong July 4, ipapakita ni Dingdong Dantes ang iba't ibang exciting na kuwento mula mismo sa North America.

Mula sa nature documentary na Seven Worlds, One Planet: North America, ililibot tayo ni Dingdong Dantes sa iba't ibang bahagi ng North America at magbabahagi pa siya ng kuwentong puno ng aral mula sa mga hayop na naninirahan doon.

Photo source: Amazing Earth

Samahan natin ang ating Kapuso Primetime King sa kaniyang masayang adventure sa Amazing Earth, 7:40 p.m. sa GMA Network.

WATCH: Ang kuwento ng farmer frontliners at ng taong putik festival