
Bumuhos ang suporta para sa Team Harabas nang ipalabas ang kanilang kuwento sa Amazing Earth.
Nitong August 29, ibinida ni Dingdong Dantes ang kuwento ng grupo na nagmula sa Occidental Mindoro. Sa episode na ito, ipinakilala ng Kapuso Primetime King ang Team Harabas at ang kanilang ginagawa online na patok sa mga netizens.
Photo source: YouTube
Napanood din nitong Linggo ang kanilang masayang catch and cook vlogs, mga adventures, at ang pagtulong sa kalikasan sa pamamagitan ng pamumulot ng basura, pagtatanim ng bakawan, at iba pa.
Pagkatapos umere ng feature ng grupo, nag-upload ng reaction video ang Team Harabas at ipinakita ito ng YouTube channel na KKK by Jeng and Otep.
Nag-upload din ng video sa YouTube ang mga umiidolo sa grupo na sina Denztribe at Memories Collection. Ang mga ito ay nakatanggap ng mensahe mula sa sumusubaybay at sumusuporta sa mga nakakatuwang adventures ng Team Harabas.
Photo source: YouTube
Ang kanilang feature sa Amazing Earth ay napuno rin ng comments mula sa kanilang proud na mga tagahanga. Ayon sa kanila, masayang-masaya sa pagkakataong maipalabas ang Team Harabas sa Amazing Earth.
Abangan ang iba pang mga exciting na kuwento sa Amazing Earth tuwing Linggo, 7:40 p.m. sa GMA Network.
RELATED CONTENT:
Kuwento ng veteran Pinoy ranger at eco-warrior, ibibida sa 'Amazing Earth'