TV

Amazing Earth: Ang kuwento ng PWD na magsasaka at ang kanyang hiling para sa mga kapwa magsasaka

By Maine Aquino

Sa bagong kuwento ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth, ibinida niya ang isang magsasakang nagsisikap para sa kanyang pamilya.

Photo source: Amazing Earth

Si Mang Nono Ramirez ay isang PWD farmer mula sa Nueva Ecija. Putol man ang kanyang mga paa ay patuloy siyang nagsisikap para buhayin ang kanyang pamilya.

Mag-isa siyang nagsasaka at mag-isa ring naghahatid ng kanyang mga paninda. Ang hiling lamang ni Mang Nono ay balikan siya ng kanyang asawa.

Isa rin sa nais ni Mang Nono ay suportahan ng mga kapwa Pinoy ang lokal na produkto mula sa ibinebenta ng mga tulad niyang magsasaka.

Isa rin sa ibinahagi ng Amazing Earth ay ang kuwento ni Andie Estrada, na miyembro ng Mt. Mingan Forest Conservation Society. Sila ay ang tumutulong sa kakulangan ng tubig sa mga magsasaka sa area ng Mt. Mingan tulad ni Mang Nono.

Alamin ang iba pang mga kuwento ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth, tuwing Linggo sa GMA Network.

RELATED CONTENT:

Amazing Earth: Ang pangangalaga sa Philippine pangolin