Kilalanin ang award-winning Gen Z Pinoy inventor sa 'Amazing Earth'
Published On: December 03, 2021, 05:05 PM
Ngayong Linggo, exciting at amazing na mga kuwento ang ibabahagi ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth.
Sa unang Linggo ng Disyembre, ikukuwento ni Dingdong ang life in the wilderness sa nature documentary na “Serengeti: Conflict.”
Bukod sa iba't ibang kuwento ng mga amazing animals, makikilala rin ngayong December 5 ang isang award-winning Gen Z Pinoy inventor.
Photo source: Amazing Earth
Si Mark Kennedy Bantugon ay ibibida ang kaniyang world-class invention na paggamit ng pili nut resin. Ito rin ang nagpanalo sa young inventor ng isang prestigious international award.
Abangan ang mga exciting na mga kuwentong ito sa Amazing Earth ngayong Linggo, 5:20 p.m. sa GMA Network.