TV

Kuwento ng dating business executives turned farmers, mapapanood sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino

Isang inspiring na kuwento ng dating business executives turned farmers ang ating mapapanood sa Amazing Earth ngayong February 20.

Sa Linggong ito ibabahagi ni Dingdong Dantes ang naging desisyon ng LGBT couple kung bakit nila piniling iwan ang corporate world para sa pagsasaka. Ang kuwentong ito ay ibabahagi nila mula sa kanilang farm sa Nueva Ecija.

Photo source: Amazing Earth

Kahit tapos na ang Valentine's Day, ipakikita ng Amazing Earth ang mga bundok sa Nueva Ecija na may mga hugot.

Abangan ang mga kuwentong ito ngayong Linggo, 5:20 p.m. sa Amazing Earth.