TV

Amazing Earth: Ang kuwento ng business executives na naging farmers

By Maine Aquino

Amazing na istorya ng business executives turned farmers ang ating napanood sa Amazing Earth.

Photo source: Amazing Earth

Ibinahagi ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth ang kuwento ng LGBT couple na sina Nina Resplandor at Fern Sebastian. Sila ay nagdesisyon na iwan ang career sa Maynila para i-manage ang kanilang farm sa Nueva Ecija. Ang Myriad Farms ay kilala rin bilang agritourism site at farming school sa Nueva Ecija.

Isa pang istorya ang kinaaliwan ng mga manonood sa Amazing Earth ang mga hiking sites na may hugot sa kanilang mga pangalan. Alamin ang kuwento ng Mt. Sawi, Mt. Kemalugong or Paasa peak, at Mt. Mapait.

Abangan ang iba pang istorya ng Amazing Earth tuwing Linggo sa GMA Network.