TV

Amazing Earth: Dingdong Dantes, sinubok ang pagmamaneho ng pampasaherong jeep

By Maine Aquino

Sa episode ng Amazing Earth, ipinakita ang pamamasada ni Dingdong Dantes ng pampasaherong jeep.

Photo source: Amazing Earth

Sa Linggong ito ay sinamahan niya si Kuya Rex Laura sa pamamasada ng jeep. Dito ay inalam din ni Dingdong ang naging epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina sa pamumuhay nila Kuya Rex.

Bukod rito, napanood din sa Amazing Earth ang kuwento ng fruit picker na si Oliver Sam sa Czech Republic. Ibinahagi ni Oliver ang kaniyang buhay sa ibang bansa at pati na rin kung bakit siya nag-e-enjoy sa pamimitas ng prutas sa daan.


Abangan ang mga susunod na adventures ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth tuwing Linggo, sa GMA Network.

Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Samantala, balikan natin ang amazing photos ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth: