TV

Amazing Earth, patuloy na tinututukan ng Kapuso viewers

By Maine Aquino

Patuloy na nag-e-enjoy sa exciting adventures na hatid ng Amazing Earth ang ating mga Kapuso viewers.

Noong June 5, umani ng 6.1% rating ang episode ng Amazing Earth, ayon sa NUTAM People Ratings. Samantala, noong May 29 ay nakakuha ang Amazing Earth ng 5.1% rating.

Sa episode nitong Linggo ay napanood ang first wall climbing experience ni Dingdong Dantes. Ginawa ito ng ating Amazing Earth host sa Brgy. Dela Paz sa Antipolo.

Tampok rin sa episode na ito ang nature documentary na "Deadly Hunters: Small But Deadly."

Tutukan ngayong Linggo ang bagong adventure ni Dingdong sa Amazing Earth, 5:20 p.m. sa GMA Network.

Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.