TV

'Amazing Earth,' may 4th anniversary special ngayong July

By Maine Aquino

Isang espesyal na 4th anniversary celebration ang ating mapapanood sa Amazing Earth.

Simula ngayong July 10, magsisimula na ang month-long anniversary ng tinututukang infotainment show ni Dingdong Dantes sa GMA Network.

Makakasama ni Dingdong sa Amazing Earth anniversary ang ilang hinahangaang Kapuso stars tulad nina Glaiza De Castro, Max Collins at Ruru Madrid.

Si Glaiza ang unang Kapuso star na mapapanood sa month-long special ng Amazing Earth. Para sa kick-off episode ng Amazing Earth anniversary, may activity si Glaiza sa Luneta with the Zumba Ladies of Luneta. Mapapanood din ang house tour ni Glaiza sa Baler at bago niyang coffee shop.

Sunod namang mapapanood si Max sa Amazing Earth sa July 17. Ibabahagi ni Max ang kaniyang naging island life nang tumira siya ng apat na taon sa Boracay. Ipapakita rin na nag-aral siya ulit mag-jet ski para sa Amazing Earth.

Tampok din sa Amazing Earth ang pagbisita ng Kapuso leading man at lead actor ng Lolong na si Ruru. Mapapanood natin ang Catch and Cook adventure ni Ruru sa Mindoro with the vloggers of Team Harabas.

Bukod sa Kapuso stars, abangan din ang mga bisita sa Amazing Earth anniversary na sina Fr. Noel Nuguid, Miss Universe Philippines 2022 Charity Pauline Amelynckx, Bataan Ecowarriors, Extreme Adventure Vlogger Josef Spartacus Farnacio a.k.a Spart, Jamie Dichavez, at iba pa.

Tutukan ang Amazing Earth anniversary simula ngayong July 10, 5:20 p.m. sa GMA Network.