
Makakasama ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth ngayong November 20 ang Running Man PH's resident “kolokoy” na si Kokoy de Santos.
Sa Linggong ito, pag-uusapan ang mga paborito nilang Pinoy street games. Tampok rin sa episode na ito ang misyon na ibibigay ni Dingdong para kay Kokoy.
PHOTO SOURCE: Amazing Earth
Ang award-winning invention for breast cancer survivors gamit ang natural material na bakong ang mapapanood rin sa Amazing Earth. Kilalanin natin ang UP students na nag-develop ng prosthetic breast na tinatawag na Brakong.
Tampok din sa Linggo ang nature-adventure series “Wild Hunters.” Ito ay ang bagong series na magpapakita ng hunting techniques of different species of ursine.
Huwag magpapahuli sa Linggo na puno ng adventure sa Amazing Earth, 5:20 p.m. sa GMA Network.
Maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
BALIKAN ANG MGA AMAZING ADVENTURES NI DINGDONG DITO: