
Ngayong bagong taon, sa bagong araw at oras na mapapanood ang programang puno ng adventure at exciting na mga istorya na Amazing Earth.
Sa taong 2023, new adventures mula sa iba't ibang bahagi ng bansa at buong mundo ang ating masasaksihan sa Amazing Earth.
Ipapakilala ni Dingdong Dantes ang kakaibang mga nilalang at ipapakita rin sa Amazing Earth ang iba't ibang klase ng mga endangered species. Kaya naman sama-sama nating protektahan ang ating mundo at i-celebrate ang kalikasahan sa Amazing Earth ngayong 2023.
Subaybayan ang mga exciting na kuwentong tampok sa Amazing Earth tuwing Sabado, 6:15 p.m. bago ang Pepito Manaloto.
Maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.