TV

Extreme adventure sa Bukidnon, tampok sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino

Isang extreme adventure mula sa Bukidnon ang mapapanood ngayong January 21 sa Amazing Earth.

Sa bagong episode ngayong January 21 ay mapapanood natin ang kuwento ni Dingdong Dantes tungkol sa isang unique camping experience sa Bukidnon.

Tampok sa Sabado ang viral vertical bivouac, ang extreme cliff-camping experience sa Bukidnon. Alamin natin ang mga kuwento ng mga nakabisita na rito.

Mapapanood din natin ang mga kapana-panabik na kuwento mula sa nature documentary na “Speed Kills: Savannah.”

Subaybayan ang exciting na episode ng Amazing Earth sa Sabado, 6:15 p.m. bago ang Pepito Manaloto.

BALIKAN ANG AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: