TV

Ken Chan at Rita Daniela, may intimate scenes sa 'Ang Dalawang Ikaw'

By Jansen Ramos

Mas mature na roles ang haharapin nina Ken Chan, Rita Daniela, Anna Vicente, at Dominic Roco sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Ang Dalawang Ikaw.

Bukod sa mga isyu ng mag-asawa, meron din silang mga intimate na mga eksena.

Ani Ken sa panayam ng 24 Oras, "Nagkaroon kami ng pagkakataon na i-direct 'yung mga sarili namin.

"Merong mga pagkakataon na kami ni Rita na sinasabi namin, "O, ganito 'yung gagawin, iaakyat mo 'yung legs mo dito.' Tapos sasabihin ni Rita, 'ilalagay ko 'yung kamay ko sa batok mo.' Bubuhatin ko siya, ihahagis ko siya. Sobrang nakakatuwa lang.

"Very matured ang role namin dito and kailangan talaga namin ipakita sa mga eksena namin 'yung buhay mag-asawa."

Bilib naman si Rita sa dedikasyon ni Ken, na una niyang nakatambal sa My Special Tatay, sa craft nito.

Bahagi ng aktres. "Nabilib na ko sa kanya sa My Special Tatay. Akala ko 'yun na 'yung peak n'ya as an actor but as we're doing this series, 'yung Ang Dalawang Ikaw, parang pagaling s'ya nang pagaling.

"Sabi ko, 'Shocks, akala ko 'yun na. May mas igagaling pa pala s'ya."

Patuloy pa ni Rita, "As in merong eksena na I just found myself watching him and I forgot that I'm part of the scene.

"Kailangan talaga nila 'tong panoorin kasi, grabe, ibang aktor talaga. Ibang Ken Chan 'yung mapapanood dito."

Para naman kay Anna Vicente, inspirasyon na maituturing si Ken. Karibal ni Rita sa puso ni Ken ang gagampanang role ni Anna sa Ang Dalawang Ikaw.

Ani Anna, "Before kasi kami maglock-in, we did a series of workshops na with Kuya Ken so 'yun, na-build kaagad namin 'yung chemistry namin and he's super nice. Talagang he helps me, sobrang idol ko po so Ken Chan. He is such an inspiration."

Gaganap na protective na kapatid naman ni Rita ang role ni Dominic Roco.

Ayon kay Dominic, bukod sa dissociative identity disorder, tatalakayin din sa show ang ilang mental health issues.

"It's a big problem that we have globally and people don't realize it. It can be helped and prevented if people are aware about it," ika ng anak ng batikang aktor na si Bembol Roco.

Panoorin ang buong panayam sa itaas. Kapag hindi ito naglo-load nang maayos, maaari itong i-stream DITO.

Narito ang pasilip sa mga eksena sa Ang Dalawang Ikaw na malapit nang mapanood sa GMA-7.