TV

Ken Chan teases exciting character in upcoming series 'Ang Dalawang Ikaw'

By Jansen Ramos

Balik-taping na ang cast ng Ang Dalawang Ikaw na pagbibidahan nina Ken Chan at Rita Daniela.

Noong Lunes, May 24, nagsimula ang huling cycle ng lock-in taping ng upcoming Afternoon Prime series sa Bataan.

Sa kanyang Facebook page, ipinost ni Ken ang larawan niya in-character bilang Tyler, ang alter ego ni Nelson. Dalawang personalidad ang gagampanan ni Ken -- Nelson at Tyler -- dahil sa sakit na dissociative identity disorder.

Bago dumiretso sa Bataan, nag-quarantine muna sa isang hotel sa Quezon City ang cast, staff, crew ng Ang Dalawang Ikaw ng limang araw at sumailalim sa swab testing para masiguradong safe ang lahat.

Ishinare naman ni Ken ang health and safety guidelines na mahigpit na ipinapatupad ng management ng programa.

Noong Enero nagsimula ang lock-in taping ng Ang Dalawang Ikaw. Nahinto ito bunsod ng pinaigting na quarantine protocols sa bansa.

Narito pa ang ilang behind-the-scenes photos mula sa taping ng bagong soap opera.

Ang Ang Dalawang Ikaw ay mula sa direksyon ni Jorron Monroy. Si Jorron ay director din ng "Truly. Madly. Deadly," ang fourth installment ng first season ng hit GMA drama anthology na I Can See You.

Nakatakdang ipalabas ang Ang Dalawang Ikaw soon sa GMA-7.