TV

Anna Vicente, aminadong may alinlangan nang tinanggap ang role sa 'Ang Dalawang Ikaw'

By Aedrianne Acar

Aminado ang GMA Artist Center beauty na si Anna Vicente na isang malaking challenge ang role niya sa afternoon series na Ang Dalawang Ikaw kung saan bida ang on-screen couple na sina Ken Chan at Rita Daniela.

Sa Instagram post ng dating Little Miss Philippines contestant, ibinahagi niya ang ilan sa mga alinlagan niya sa pagganap sa karakter na Beatrice.

Saad ni Anna, “When i got the role, at first i had so much doubts thinking that i might not be able to give justice to Beatrice's character but i knew I had to believe in myself and everything else will follow, of course with the guidance and support of all the people who i was with during the lock in taping.

“Then realized that this project was given to me for a reason. Sobrang dami kong natutunan sa pagbuo ng serye na ito at babaunin ko lahat ng iyon habang buhay.”

Inisa-isa din ng Kapuso actress ang mga taong naging malaking bahagi sa pagbuo niya sa role at sa natanggap niyang suporta mula sa co-stars na sina Ken at Rita.

Aniya, “I would like to extend my gratitude to all the people who believed that I can. I am so blessed to have worked with such amazing and talented team.

“To my co actors ate @missritadaniela and kuya @akosikenchan thank you for pushing me to go beyond what i thought was enough. Your passion and commitment inspired me

“And to @gmanetwork for giving me this opportunity. This is it, Mga Kapuso, para po sainyo ito. Sana po ay suportahan at tangkilikin niyo."

A post shared by ANNA VICENTE (@itsannavicente)

Nag-react naman si Rita sa sweet message ni Anna para sa kanya.

Source: itsannavicente (IG)

Sa exclusive chat ng GMANetwork.com kay Anna Vicente noong Abril, tinawag niya na malaking 'blessing' na makatrabaho niya si Rita Daniela.

Paliwanag niya, “Super blessed ako, kasi si Ate Rita talagang hindi mo makita sa kanya 'yung parang, siyempre she's a lead and ang tagal na niya sa industry. Sobrang tinutulungan niya talaga ako and sasabihan niya, 'Anna, good job ka dun. Anna ang galing mo dun.'

“She's very nice, I love her talaga.”

Tunghayan ang simula ng kuwento nina Nelson (Ken Chan) na may dissociative identity disorder at kanyang asawa na si Mia (Rita Daniela) sa Ang Dalawang Ikaw, sa darating na June 21, pagkatapos ng Eat Bulaga.