TV

Ang Dalawang Ikaw: Nelson, parehong nabuntis sina Mia at Beatrice!

Tumitindi ang mga eksena sa bagong kinagigiliwan at pinag-usapang drama sa hapon - ang Ang Dalawang Ikaw.

Sa ika-anim na linggo ng GMA Afternoon Prime series, bumalik ang alas kay Beatrice (Anna Vicente) nang mapatunayan niyang dinadala niya ang anak nila ni Tyler (Ken Chan), ang alter ni Nelson (Ken Chan).

Ikinalungkot ito ni Mia (Rita Daniela) dahil sa ideya na si Beatrice pa pala ang magbibigay sa mister ng matagal na nitong minimithi.

Dumagdag pa sa mga intindihin ni Mia nang malaman niyang siya ay buntis din.

Hindi niya alam kung paano niya ito sasabihin kay Nelson dahil hindi pa sila nakakapagsiping mula noong bumalik ang asawa sa core persona nito.

Ibinunyag naman ni Mia kay Nelson na may nangyari sa kanila ni Tyler na nagkukunwari noong si Nelson.

Nangamba si Mia na sabihin ito sa mister na may DID. Gayunpaman, masaya itong tinanggap ni Nelson dahil sabik na sabik na itong magkaanak.

Balikan ang episodes ng Ang Dalawang Ikaw mula July 26 hanggang July 30 dito:

Mia, ipinagtanggol si Tyler

Pagbunyag sa sikreto ni Tyler

Mia files a temporary restraining order against Beatrice

Good news for Beatrice, bad news for Mia

The unexpected blessing

Pinagbibidahan nina Ken Chan at Rita Daniela ang Ang Dalawang Ikaw, kasama si Anna Vicente.

Tampok din sa serye sina Dominic Roco, Jake Vargas, Marco Alcaraz, Ervic Vijandre, Pen Medina, Joana Marie Tan, Lianne Valentin, Jeremy Sabido, at mga batikang aktor na sina Sharmaine Arnaiz at Ricardo Cepeda sa espesyal na pagganap.

Ang Ang Dalawang Ikaw ay mula sa orihinal na konsepto ni Geng Delos Reyes-Delgado at mula sa direksyon ni Jorron Lee Monroy.

Mapapanood ito sa bago nitong oras na 3:25 p.m., pagkatapos ng bagong GMA Afternoon Prime series na Nagbabagang Luha sa GMA-7.

Sa mga nais balikan ang full episodes ng Ang Dalawang Ikaw at iba pang programa ng GMA, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang drama series.