TV

Anna Vicente, pinanggigigilan sa 'Ang Dalawang Ikaw'

Patuloy na gumagawa ng ingay sa Twitterverse ang tumitinding eksena sa GMA Afternoon Prime series na Ang Dalawang Ikaw.

This time, mas tumindi ang hidwaan sa pagitan nina Mia (Rita Daniela) at Beatrice (Anna Vicente).

Matagal nang pangarap ni Nelson (Ken Chan) na magkaanak. Gayunpaman, hindi ito maibigay ng kanyang asawang si Mia dahil na-diagnose siya na may polycystic ovary syndrome o PCOS.

Naging posible naman ito nang nabuntis niya si Beatrice, ang misis ng alter personality ni Nelson na si Tyler.

Traumatic para kay Nelson na mawalan ng anak kaya labis ang pag-aalaga niya kay Beatrice, bagay na naiintindihan ni Mia.

Pero patuloy namang inaabuso ni Beatrice ang kanyang kalagayan para mapalapit kay Nelson dahil nahuhulog na rin siya rito.

Madalas makakuha ng hate tweets si Anna Vicente sa kanyang pagganap bilang Beatrice.

Pero patunay lamang ito na effective siya sa kanyang pagganap bilang main antagonist sa Ang Dalawang Ikaw.

Tulad ng avid viewer na si @MCStaRK_ na naaapektuhan na sa pagiging provocative ni Beatrice.

Tweet niya, "Hangga't may Beatrice na nagpapaikot ng utak ng uto-uto na Nelson, hindi talaga malalagay sa tahimik MiaSon. Sagad na talaga Beatrice, puro sarili lang iniisip, nahawa na si Nelson."

Gayunpaman, tila "unbothered" ang magaling at baguhang aktres na nagbibigay-buhay sa papel na Beatrice.

Nakakuha naman ng simpatiya mula sa viewers si Mia na naiipit sa sitwasyon ng mister na si Nelson at nabuntis niyang si Beatrice noong nagpalit ang lalaking may dissociative identity disorder ng persona.

Komento ng Twitter user na may handle na @thankunextgirl, "Grabe sa tinagal-tagal ng pagtitiis ni Mia, sumabog na rin s'ya. Kaya kung walang gagawin si Nelson, mabuti pang maghiwalay na lang sila."

Biro pa niyang dugtong, "Tapos si Tyler na lang jowain mo, Mia. HAHAHAHAHA"

Nagpahayag naman ng galit kay Nelson ang ilang viewers matapos panigan si Beatrice kaysa sa legal na asawa.

"Masakit talaga sa part ni Mia na mismong si Nelson eh naniniwala na kaya niyang i-harm si [Beatrice] at 'yung baby. Like Nelson, 'di man lang sumagi sa isip mo na pwedeng gawa-gawa lang din ni [Beatrice] lahat? Na na-set up lang si Mia? Be smart naman, Nelson."

Samantala, nagpasalamat naman si Rita sa mga sumusuporta sa kanyang karakter na si Mia.

Ayon sa kanyang live video sa Instagram account ng GMA Network noong August 6, sinabi niyang maging siya ay naaawa kay Mia.

"Thank you so much for your support, guys, dahil ramdam ko na naapektuhan kayo. Ibig sabihin nanonood kayo.

"Kawawa si Mia, ewan ko ba tuwing nanonood ako parang nakakalimutan ko na 'yung mga nakunan namin.

"Sobrang nakakapagod maging Mia. Kaya n'yo ba 'yun, guys, kung sa inyo nangyari 'yung sitwasyon ni Mia, what would you really do?"

Panoorin ang buong IG live dito:

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Mapapanood ang Ang Dalawang Ikaw mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Nagbabagang Luha sa GMA Afternoon Prime.