GMA Logo anna vicente
What's on TV

Anna Vicente, dedma sa bashers dahil sa kanyang role sa 'Ang Dalawang Ikaw'

By Jansen Ramos
Published September 6, 2021 5:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Thai esports player expelled from SEA Games for cheating
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

anna vicente


Anna Vicente on her kontrabida role in 'Ang Dalawang Ikaw:' "Naging handa ako from the very start kasi alam ko naman na magte-third wheel ako at magkokontrabida ako sa isang couple na malaki na talaga 'yung fanbase."

Kinaiinisan ang 23-year-old actress na si Anna Vicente dahil sa kanyang pagganap bilang Beatrice sa GMA afternoon drama na Ang Dalawang Ikaw.

Ang papel niyang Beatrice ay kontrabida sa Kapuso love team na sina Ken Chan at Rita Daniela na gumaganap sa papel na mag-asawa as Nelson at Mia.

Para kay Anna, ang kanyang Ang Dalawang Ikaw character ang breakthrough role niya sa GMA.

Bahagi niya sa panayam ng GMANetwork.com sa Kapuso Brigade Zoomustahan kamakailan, "Happy ako kasi 'yung Beatrice na role 'yung nakuha ko kasi si Beatrice kung iintindihin mo talaga 'yung personality n'ya at kung ano 'yung nangyayari sa kanya, hindi talaga s'ya 'yung kontrabidang wala lang magawa. Kumbaga meron siyang pinaglalaban.

"Meron siyang na-experience kaya siya nagiging gano'n kaya siya parang nagiging kontrabida dahil sa pain niya, sa pinagdaanan niya."

Ang karakter niyang si Beatrice ay asawa ni Nelson sa alter personality nitong si Tyler sa Ang Dalawang Ikaw.

Para maging makatotohanan ang kanyang pagganap, ginamit daw ni Anna ang kanyang personal experience sa love.

"As an artist talaga, 'yun e, you have to use your pain para maging personalized 'yung ginagawa mo para hindi parehong arte kay ganito, kay ganyan so it has to be personalized.

"Pero, syempre, I included my pains in the past pero, syempre, wala pa naman [inagawan] so far."

Ayon pa kay Anna, inintindi niya ang karakter ni Beatrice dahil malayo ito sa personal niyang buhay dahil ito ay may asawa sa kwento.

"Inaral ko po kasi talaga 'yung character ni Beatrice na syempre 'di pa naman ako 'yung may asawa.

"Hindi ko pa alam kung gaano kalalim 'yung paglalaban mo kapag may asawa ka na so 'yun, inaral ko po talaga, nag-observe din po ako na kapag may asawa ka na no matter what it takes, you will fight for the one you love."

Anna Vicente on handling bashing

Inihanda raw ni Anna ang kanyang sarili na papagitna siya sa isa sa malalaking love team sa showbiz kaya hindi na raw siya naaapektuhan ng mga hate comments tungkol sa kanyang karakter.

Aniya, "Ang dami-dami ng negative na nangyayari sa buhay natin so, wala, dedma lang."

Sabi pa ni Anna, natutuwa siya dahil patunay lang ang pagkakaroon ng bashers na effective ang kanyang pagganap bilang kontrabida.

Dugtong niya, "Nakakatuwa, actually, na very engaging 'yung mga tao. Engaged sila sa Ang Dalawang Ikaw, engaged sila kay Beatrice.

"Kapag sinearch mo 'yung hashtag ng Ang Dalawang Ikaw, puro mura 'yung makikita mo, 'si Beatrice ganyan' so natutuwa ako. Kumbaga hindi ako naaapektuhan kasi alam ko naman na role lang 'yon and naging handa ako from the very start.

"Kasi alam ko naman na magte-third wheel ako at magko-kontrabida ako sa isang couple na malaki na talaga 'yung fanbase at ipaglalaban talaga sila ng fans nila hanggang patayan talaga so ayon hinanda ko 'yung sarili ko.

"And nakakatuwa kasi, at the end of the day, meron akong nababasa na galit sila kay Beatrice pero hindi kay Anna."

Nang tanungin namin kung ano ang pinakamatinding paninira ang natanggap niya, ibinahagi niyang nanggaling ito sa mga troll accounts. Nasabihan na nga raw siyang "malandi" pero chill lang ang aktres.

"'Yan 'yung mga number one, mga troll account na walang pina-follow, walang picture, walang followers pero wala lang talaga silang magawa sa buhay nila, 'yung mga puro mura, 'Beatrice, ano ka...malandi ka. Tigilan mo na sila. Wala ka bang magawa sa buhay mo,' ganyan. 'Pandemic ngayon, umayos ka.'

"Kung hindi ako ready, siguro naapektuhan na ko."

Minsan nga raw ay sinasakyan na lang ni Anna ang mga nega comments sa Twitter.

"There has been a couple of times na nagtu-tweet ako as Beatrice tapos [magre-reply] sila na ikulong na raw si Beatrice, ganyan. Tapos magre-reply ako, sasabihin ko, "Sama muna kita" so nakakatuwa lang na na-engage ako sa fans."

Sa kabila ng pamba-bash na natatanggap, happy naman daw si Anna na may nakakaunawa sa kung saan nanggagaling ang karakter niyang si Beatrice.

"Happy ako na meron at merong nakaka-intindi kahit maraming galit kay Beatrice.

"Nababasa ko sa Twitter na alam mo kung bakit ganyan si Beatrice dahil sa mga nangyari sa kanya in the past, sa pain niya, sa pagmamahal niya.

"Nagbigay lang naman siya, nagmahal lang naman siya so 'yun din 'yung nakakatuwa playing the role of Beatrice kasi kahit papaano meron siyang tinatagong bait sa puso niya, mapagmahal si Beatrice."

Subaybayan si Anna sa finale week ng Ang Dalawang Ikaw, 3:25 p.m., pagkatapos ng Nagbabagang Luha sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, balikan ang mga tagpo sa serye sa gallery na ito: