TV

Words of wisdom from Ang Dalawang Mrs. Real's Vincent Dumlao

By MICHELLE CALIGAN

Unang linggo pa lamang ng Telebabad series na Ang Dalawang Mrs. Real ay napansin agad ang character ni Marc Abaya na si Vincent Dumlao. Siya ang Cebu-based engineer na katrabaho nina Anthony (Dingdong Dantes) at Allan (Rodjun Cruz) Real sa project nila sa naturang probinsiya. Babaero si Vincent kahit may asawa na siya, at siya ang tumatayong devil's advocate ni Anthony.

Maraming witty lines na binibitawan si Vincent when it comes to love and relationships. Not everything he says is good advice, especially to Anthony, but we have to admit that he does have a point.

Here are some of his words of wisdom:



"Loyal ako kay misis pero nakakasawa rin kapag parating adobo ang ulam. Kung kaya't paminsan-minsan, tumitikim ako ng iba't ibang putahe. At kung sa putahe lang, magsasawa kayong dalawa sa Cebu."



"It takes 90 seconds to four minutes to determine whether you are attracted to someone. Ang tawag ng mga psychologists doon 'natural attraction.' Iba 'yun sa pag-ibig, dahil ang iba puwede mong mahalin, 'yung iba, attraction lang."



"Pare, niyaya ka ng babae lumabas. Hindi 'yan gagawin ng babae kung hindi ka niya type. Kung ako niyaya, siguro nahalikan ko na 'yun."



"Kung gusto mo dapat umiwas, dapat sinabi mo 'Shiela, I'm married. Mahal ko ang asawa ko. Masaya kami.' Pero nung sinabi mong 'Sorry, I'm taken,' Pare, ginawa mong available ang sarili mo sa kanya. Ginagawa 'yun ng mga lalakeng gustong magpatukso."



"Anthony, natural lang 'yan. Nasa dugo natin 'yan. Maging gago ka man o santo, kapag nandoon ka na sa moment, kapag malapit na siya, kapag naaamoy mo na ang buhok niya, kapag binigay niya ang sarili niya sa 'yo, wala na. Pare-pareho tayong mga lalake. Iba talaga ang kamandag ng mga babae sa mga lalakeng natutukso."

If you can't get enough of Vincent's lines, watch Ang Dalawang Mrs. Real, weeknights after Kambal Sirena, on GMA Telebabad.