TV

Kasal sa papel o kasal sa puso? What will it be for the cast of 'Ang Dalawang Mrs. Real'?

By MICHELLE CALIGAN



Mas tumitindi na ang mga ganap sa primetime series na Ang Dalawang Mrs. Real. Ikakasal na si Anthony (Dingdong Dantes) kay Shiela (Lovi Poe) dahil nabuntis niya ang dalaga. Nalusutan man niya ang problemang ito ay hindi niya ito naitago sa kanyang mga magulang at kapatid. Nadagdagan pa ang kanyang mga iniisip nang sumunod sa Cebu ang asawa niyang si Millet kasama sina Tonton at Sandy.

Ngayong magiging dalawa na ang asawa ni Anthony, tinanong namin ang cast ng Ang Dalawang Mrs. Real kung ano ang mas matimbang para sa kanila, kasal sa papel o kasal sa puso. Narito ang kanilang mga sagot:

Marc Abaya: "Mas mahalaga ang kasal sa puso. A lot of people come from broken families to one degree or another, but again at the end of the day, a promise is a promise. Panindigan mo 'yan."

Dominic Roco: "Kasal sa puso. Kasi kapag sa papel, papel lang naman 'yun eh. Puwede mo namang isulat kahit ano."

Alessandra de Rossi: "Hindi mo siya mako-compare. Yes, kinasal nga kayo sa papel, hindi naman kayo nagmamahalan. Nagpakasal lang kayo for power, for fame or kung ano man. Mayroon namang kasal lang sa puso, hindi sila puwedeng ikasal pero tunay na nagmamahalan. Mas gusto ko 'yun siyempre, pero mas maraming advantages 'yung kasal sa papel."

Rodjun Cruz: "Kung kasal ka sa papel, siyempre kasal ka sa puso dahil hindi mo naman papakasalan ang taong 'yun kung hindi mo talaga mahal."

Jaime Fabregas: "Kung pinagbasehan lang ng pagsasama niyo ang papel, baka hindi tumagal. Mabasa lang ng kaunti 'yun, punit na 'yun eh. Pero kung ang samahan ninyo is mula sa puso, ang tingin ko ay mas matatag 'yun, mas malayo ang mapupuntahan."

Celeste Legaspi: "Siyempre kasal sa puso. Pero napakaimportante din ng kasal sa papel, because that shows you the power, and how deep your commitment is."

Tommy Abuel: "Kung ibabase mo lang sa papel, walang emotions involved. Ngayon, kung sasabihin mong kasal sa puso, 'yun ang may tunay na pag-ibig. Mas matimbang, definitely."

Don't miss the much-awaited scenes of Ang Dalawang Mrs. Real, only on GMA Telebabad