TV

Lovi Poe, proud na masampal ni Maricel Soriano

By SAMANTHA PORTILLO

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Patindi na nang patindi ang mga kaganapan sa Ang Dalawang Mrs. Real, lalo na at malalaman na ni Millet ang tungkol sa pagtataksil nina Anthony at Shiela sa kanya. Kailan kaya maghaharap ang dalawang Mrs. Real?

Noong GMANetwork.com live chat ng Ang Dalawang Mrs. Real cast members na sina Lovi Poe, Rodjun Cruz at Marc Abaya kahapon, ibinunyag nila ang mga dapat pang abangan sa drama series. Nag-enjoy din sa pagsagot ng mga tanong mula sa fans ang tatlo.

Ayon sa kanila, halos lahat ng mga tanong ay tungkol sa mga kumplikadong relasyon. Mayroon ding mga nanghingi ng dating tips at hypothetical questions tungkol sa mga karakter sa show.

Ang musician-actor na si Marc Abaya, ipinagtanggol naman ang kanyang playboy na karakter na si Vincent. Maraming fans ng show na raw ang nagagalit sa kanya.

“Si Vincent lang ‘yung pang damage control. Sablay pa rin ‘yung advice, sobrang sablay, pero ‘yun, damage control lang po siya. At the end of the day, kaya napakahusay ni Dingdong Dantes sa pagganap ng Anthony,” anang Kjwan frontman.

Ibinahagi naman ni Lovi Poe na noong Huwebes, kinunan na nila ng Diamond Star ang pinakahihintay na confrontation scene ng dalawang Mrs. Real.

Nag-tweet pa nga si Lovi tungkol sa pagsampal sa kanya ng Diamond Star.

“So nung na-shoot, after noon, uminit ‘yung mukha ko, pero it’s an honor. I mean for me, it’s an honor na masampal, to be slapped by Ms. Maricel Soriano. Noong nag-tweet nga ako noon, maraming nag-tweet sa akin ng ‘Congratulations’,” anang award-winning Kapuso leading lady.