TV

Rodjun Cruz has an advice for real life Allan Reals

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Sa lahat ng tauhan ng Ang Dalawang Mrs. Real na may alam tungkol sa panloloko ni Anthony, si Allan lang ang hindi kumunsinti sa ginagawa ng kanyang kuya. Ang Kapuso actor na si Rodjun Cruz ang gumaganap sa role na ito.

"Si Allan lang talaga ang hindi nagbago ng prinsipyo at lagi siyang nasa tama," kuwento ni Rodjun in an exclusive interview with GMANetwork.com.

Aniya, ang problema ni Allan ngayon ay kung paano makabawi kay Millet, ang unang asawa ni Anthony, dahil sa sitwasyong pinasok ng kanyang nakatatandang kapatid. "Siyempre kahit papano, kahit gusto ko lagi na nasa tama tayo, kapatid ko pa rin si Anthony, so kailangan ko siyang protektahan."

If this were to happen in real life, will Rodjun be like Allan who will not tolerate what his brother did?

"Oo naman, siyempre mahal ko 'yung kapatid ko, and at the same time, mahal ko rin 'yung asawa niya so siyempre ayokong gumitna, ayokong makasakit sa dalawa. Hindi ko rin naman puwedeng basta ilaglag 'yung kuya ko dahil siyempre kapatid ko 'yun, kadugo ko 'yun. Kung mangyari sa akin 'yun sa totoong buhay, para lang din akong si Allan na kahit mali 'yung kuya ko, mag-aadvice lang ako pero hindi pa rin ako manghihimasok."

May payo rin siya sa mga taong katulad ni Allan na may kapatid na nasasangkot sa ganitong klase ng gulo.

"Ipagpatuloy niyo lang na hindi nagbabago ang prinsipyo niyo at talagang laging nasa tama, at ipag-pray niyo ang mga nangyayari, na i-lead ni Lord sa tama ang lahat."

Don't miss Rodjun Crus as Allan Real in Ang Dalawang Mrs. Real, weeknights after My Destiny, on GMA Telebabad.