TV

Diva Montelaba offers anti-Shiela tips

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Ginagampanan ng StarStruck V alumna na si Diva Montelaba ang role na Liza sa primetime series na Ang Dalawang Mrs. Real. Si Liza ang asawa ni Dado, played by Dominic Roco, at sister-in-law ni Shiela, played by Lovi Poe.

Ayon kay Diva, malapit sa puso niya si Liza dahil pareho sila ng ugali pagdating sa mga kaibigan. "Si Diva at si Liza, same sila na matiisin sa friends. Si Diva kasi in real life, siya 'yung hindi talaga sumusuko sa friends. Naniniwala kasi ako na walang point kung iiwanan ko sila kasi I will not be a true friend. Kung kailangan nila ako, I will be there."

Inihalintulad niya ito sa friendship nina Liza at Shiela. "Ang daming chances na dapat nakinig siya kay Liza, pero hindi pa rin. In fact, nasasaktan na nga ni Shiela si Liza sa mga binibitawan niyang salita, pero hindi pa rin nag-give up si Liza. Nandiyan pa rin siya to support Shiela."

Nagbigay din ng anti-Shiela tips si Diva para makaiwas sa sitwasyon ng character ni Lovi.

"Know your worth. Hindi masamang magmahal, hindi masamang masaktan. Pero mararamdaman mo naman 'yun kung sobra na, hindi na tama. Huwag masyadong magpaka-martyr sa love kasi hindi ka mas matutuwa, masasaktan ka lang lalo."

Dagdag pa niya, "Huwag kayong matakot magmahal, pero dapat alam niyo kung hanggang saan lang 'yung kaya niyong ibigay."

Bilang Diva Montelaba, ano naman ang ipapayo niya kay Shiela?

"Sasabihin ko kay Shiela na learn to let go, kasi alam niya na hindi para sa kanya si Anthony. Nandiyan naman si Bubot for her. Para sa akin, doon na lang siya mag-focus ng time and effort niya muna. Shiela deserves someone better na magmamahal sa kanya na kaya siyang panindigan."