TV

'Feeling ko na-karma na si Mamang' - Susan Africa

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Kahit matagal na sa industriya ang aktres na si Susan Africa, maraming challenges pa rin daw siyang naranasan sa teleseryeng Ang Dalawang Mrs. Real. Ginagampanan niya ang role na Mamang, ang ina ni Shiela (Lovi Poe), na galit na galit sa mga kabit dahil may babae si Papang (Tommy Abuel).

"Actually, natatakot ako tuwing magte-take kasi napaka-intense ng mga eksena. Happy ako na natatanggap ko ang script earlier especially kapag may Cebuano lines. Buti na lang at nandiyan si Diva [Montelaba] at ang mama niya, nagpapatulong ako sa kanila," kuwento ni Susan.

Dagdag pa niya, "Minsan 'yung attack na iniisip mo kapag nagre-review ka sa bahay, pagdating sa set, iba ang gusto ni Direk. 'Yun ang challenges na gusto ko kasi I want to keep on growing and learning, at dito sa ADMR, ang dami kong natutunan."

Gustong-gusto rin daw niya si Mamang dahil iba ang development ng character. "It starts this way, and she kind of understands and looks at situations from a different point of view. It develops her understanding, her acceptance of people. Hindi ko alam kung saan mapupunta ang character ni Mamang but I see the growth and maturity."

Ano naman ang masasabi niya na naging kabit si Shiela gayong kinamumuhian niya ang mga ito?

"Feeling ko na-karma si Mamang, kasi sinasabi nila na sometimes in life, the things that you hate or fear most, will one day face you. Kaya ang nangyari kay Mamang, 'yun ang pinakaayaw niya sa buhay niya. Hindi niya inakala na 'yung anak niya, naging kabit.

"Pero bilang mother, ang conflict nito is so deep. Ano nga naman ang gagawin mo if the kind of person that you hate happens to be your child? I think sa portion na 'to, ang pagmamahal na lang ni Mamang and her understanding for the situation ang mas mananaig, ang mas matimbang," ang paliwanag ng aktres.

But what she likes most about the show is its ability to present everyone's side and understand the situation.

"It doesn't take sides. It presents the mistress' side, the wife's side, but it doesn't take sides. It's up to you to decide kung sino ba ang tama, sino ba ang mali. Wala tayong karapatang mag-judge, pero lahat tayo may karapatan na umintindi. 'Yun ang gusto ko sa show na ito."