TV

Palalayasin din kaya ni Tommy Abuel ang anak kapag natulad kay Shiela?

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Sa Ang Dalawang Mrs. Real, matatandaang pinalayas ni Papang (Tommy Abuel) si Shiela (Lovi Poe) nang ipagtapat nito na matagal na niyang alam na pangalawang asawa na siya ni Anthony (Dingdong Dantes).

Kung si Tommy daw ang tatanungin, hindi niya kayang palayasin ang kanyang anak kung malalagay sa sitwasyon ni Shiela.

"If she fell in love with a married man, definitely kung alam ko from the very beginning, I will not allow it dahil siya ang talo. Unang una, hindi sila puwedeng magpakasal. Kung accidentally, nagkaroon ng anak, I will not go as far as palalayasin ko 'yung anak ko, kasi mas kawawa," paliwanag niya.

What will he do instead?

"What I will try to do would be to talk to her and instill in her na 'Wala ka nang magagawa, married siya, talo ka. We will support you, we will raise the kid as family.'"

May advice din daw siyang ibibigay sa kanyang anak regarding the child's father.

"You don't need that guy. Get him out of your life. We will support you, but from now on, tigilan mo na ang relasyon na 'yan."