TV

Ano ang payo ng cast ng 'Ang Dalawang Mrs. Real' kay Anthony?

By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Malapit nang magwakas ang primetime series na Ang Dalawang Mrs. Real, at isa-isa nang dumarating ang consequences ng ginawa ni Anthony (Dingdong Dantes), lalo na ang posibilidad na makulong siya dahil sa kasong bigamy.

Puwedeng iwasan ni Anthony ang nangyari sa kanya kung gustuhin niya, ngunit dahil sa nagpatong-patong na maling desisyon ay naipit na siya sa sitwasyon.

Kaya tinanong namin ang ilan sa cast members ng naturang teleserye, kabilang na ang gumaganap na Anthony na si Primetime King Dingdong Dantes, kung ano ang kanilang maipapayo kay Anthony at sa mga lalaking katulad niya.

 
Dingdong Dantes

Darating at darating sila sa isang sitwasyon kung saan kailangan nilang patunayan ang kanilang pagiging lalaki. Kung sakaling dumating sila sa ganoong klaseng crossroads, isipin na lang nila na kailangan nilang balikan ang main essence kung bakit naging lalaki sila in the first place. Sa aking pananaw, 'yun ay ang pagkakaroon ng isang pamilya at pagkakaroon ng anak at ng asawa. Once naging matibay sa kanila 'yun, I'm sure na malaking posibilidad na malalampasan nila ang kahit anumang temptation.
 
Celeste Legaspi

Think about it before you do anything. According to the story ng teleserye natin, he allowed himself to be in situations na open siya sa temptation. Dapat you should run away as fast as you can. I know, lalaki, but you have a responsibility to your family. Dapat nauuna 'yun. I know that's hard kasi you're young and repulsive, but you have to do it, you have a commitment.
 
Jaime Fabregas

Kung puwede niyong iwasan 'yang pinasukan niyo, iwasan niyo na. Kung paninindigan niyo naman, siguro kaibiganin niyo muna 'yung magiging biyenan niyong bago, baka kung saan kayo pulutin (laughs). Minsan talaga hindi mo maiiwasan ang situation ni Anthony, kasi you'll meet this girl who's very nice, and somehow one thing leads to another.
 
Lovi Poe

I think kung gusto talaga niyang makasama si Millet, kailangan niyang tanggapin lahat ng ibabato sa kanya dahil ginusto niya 'yan. Kahit sino namang babae hindi rin kaya na nakikitang nasasaktan si Millet. It's painful for my part also kahit ako si Shiela na nakasakit din ako ng ibang tao.
 
Rodjun Cruz

Tama 'yung ginagawa niya ngayon na bumalik siya sa family niya, kay
Millet. And hindi niya pinapabayaan ang anak niya. 'Yun naman ang mahalaga doon. Pero siyempre, nagawa na niya ang kasalanan niya, kailangan niyang panindigan. Patunayan niya sa asawa niya na pinagsisisihan niya 'yung nagawa niyang kasalanan. Suportahan niya sina Tonton at Bubot.