TV

Dominic Roco says 'no' to marriage?

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Sa Ang Dalawang Mrs. Real, ginagampanan ng young actor na si Dominic Roco ang role na Dado, ang kuya ni Shiela (Lovi Poe) at asawa ni Liza (Diva Montelaba).

Sa totoong buhay, hindi daw naisip ni Dom na ikakasal siya. "Honestly I don't see myself getting married. Marriage, to me, is not happening."

Pero kahit ganito ang mindset niya on marriage, pabor naman daw siya sa commitment. Kaya kung mangyari sa kanya ang nangyari kina Anthony at Millet, aayusin pa rin daw siya ang relasyon.

"Kailangan pa rin ayusin 'yung relasyon for the sake of the child," pahayag niya.

Pero paano kung wala naman silang anak?

"For me, you can leave them alone (laughs). Kasi you have no responsibilities to take care of. Not unless you love the girl, 'di ba? It depends, situational siguro."

Pagdating naman sa engagement, naniniwala si Dom na dapat ay mahaba ito. "I think it would be better to have a long engagement before getting married to get to know each other more. Kasi if you get married, then doon lang naglalabasan ang ugali, parang ang hirap yata nun."

Mapapansing nakikialam ang mga magulang nina Anthony, Millet at Shiela sa lovelife ng mga ito. Ano naman ang masasabi ni Dom dito?

"Yes, magulang sila and that's their job. Trabaho nila na alagaan ang anak nila, their safety, everything. I think it comes natural as a parent to do that."

Dagdag pa niya, "In the case of Anthony and Shiela, dapat talaga. Kasi may asawa na nga si Anthony, tapos si Shiela, only girl ni Papang. I think Papang would really react like that."