TV

Lovi Poe, na-excite sa pagbabalik ng 'Ang Dalawang Mrs. Real'

By Bianca Geli

Napapanood na muli sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Premier Drama actress Lovi Poe, at Diamond Star Maricel Soriano sa kanilang mga natatanging pagganap sa 2014 drama na Ang Dalawang Mrs. Real.

Sa pagbabalik ng teledrama sa GMA Afternoon Prime, napabalik-tanaw si Lovi dahil, aniya, di niya malilimutan ang karanasang makatrabaho sina Maricel Soriano at Dingdong Dantes .

"Real talk: I was literally jumping in excitement when I found out I was gonna work with THE Diamond Star 😱 I loved doing the role of Sheila Salazar opposite Ms. Maricel Soriano and Dingdong Dantes ♥️ So many good memories kasama ang iba pa naming nakatrabaho sa show na 'to."

Kahit ang Kapuso actor-dancer na si Rodjun Cruz ay na-excite sa pagbabalik ng Ang Dalawang Mrs Real.

Tampok sa Ang Dalawang Mrs. Real ang istorya ni Anthony Real (Dingdong Dantes) na kasal kay Millet Real(Maricel Soriano).

Makikilala ni Anthony si Sheila Salazar (Lovi Poe) at mapapamahal dito. Pakakasalan niya ito kahit na kasal pa siya kay Millet.

Matapos ang unang airing ng Ang Dalawang Mrs. Real noong 2014 ay pinangaralan ito ng iba't ibang award-giving bodies tulad ng Outstanding Performance by an Actor para kay Dingdong, Outstanding Performance by an Actress para kay Maricel, Outstanding Performance by a Supporting Actress para kay Alessandra de Rossi at Outstanding Original Drama Program sa 6th Golden Screen TV Awards.

Nagwagi rin ito ng Plaque of Commendation and Best Primetime Teleserye sa Northwest Samar State University Student's Choice Award at sa Silver Screen Award sa 2015 US International Film & Video Festival. Nakatanggap rin ito ng ilang nominasyon sa 28th PMPC Star Awards for Television.

Panoorin ang Ang Dalawang Mrs. Real sa GMA Afternoon Prime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:15 ng hapon.

Ang Dalawang Mrs. Real: Maricel vs. Lovi | Teaser

Silipin ang ilang mga eksena sa Ang Dalawang Mrs. Real sa gallery na ito: