TV

Ang Dalawang Mrs. Real: Meet Anthony Real 2.0

By Bianca Geli

Tila nagbago nang tuluyan si Anthony (Dingdong Dantes) simula nang manganak na si Shiela (Lovi Poe). Naging mas mapagaruga ito sa kanya ngayong may sarili na silang anak.

Samantala, hindi matiis ni Allan (Rodjun Cruz) na hindi dalawin sa ospital ang bagong panganak n'yang pamangkin kay Shiela. Handa na ba syang patawarin nang tuluyan si Anthony, o may masama siyang balak sa kanyang pagbisita?

Matapos malaman ni Edgar (Marco Alcaraz) na nanganak na si Shiela, maiisipan niya na namang isiwalat ang mga sikreto ng dalawa.

Balikan ang mga eksena sa Ang Dalawang Mrs. Real: