TV

WATCH: Aubrey Miles, may taning na ang buhay?

By Jansen Ramos


Sa April 23 episode ng Ang Forever Ko'y Ikaw, magkukunwari si Maya (Aubrey Miles) na may taning na ang kanyang buhay para muling makasama ang kanyang mag-ama na sina Lance (Neil Ryan Sese) at Benjie (Bruno Gabriel) sa loob ng isang buwan. Nakiusap si Benjie sa kanyang ama na hayaang manatili ang kanyang ina sa kanilang condo dahil konting panahon na lang ang itatagal nito.

Nag-aalangan si Lance ngunit naiintidihan naman ni Ginny (Camille Prats) ang sitwasyon. Malaki ang tiwala niya rito kaya papahintulutan niya ito para sa ikabubuti ni Benjie.