Kilalanin ang cast ng 'Ang Forever Ko'y Ikaw,' ang inaabangang romantic comedy series na magpapakilig sa inyong umaga ngayong darating na Marso.
Gagampanan ni Ayra ang karakter ni Marione, isang vlogger.
Sweet-looking itong si Marione pero napaka-passionate nito pagdating sa kanyang craft, ang video making.
Bibigyang buhay ni Bruno ang role ni Benjie, ang binatang happy-go-lucky.
Chillax lang!
Magkaklase sina Marione at Benjie sa ilang general subjects sa university na kanilang pinapasukan.
Malakas mang-asar si Marione. Pikon-talo naman lagi si Benjie. They are the exact opposites, but it doesn't mean that they cannot give love a chance.
Si Neil Ryan ang gaganap sa karakter ni Lance, isang medical representative.
Si Camille naman ay si Ginny, isang raketerang ina.
Mother of two kids na itong si Ginny pero pusong-millennial pa rin.
Parehong single parent sina Ginny at Lance. May chance kaya upang magka-ibigan ang dalawa?
Mag-ina sina Ginny at Marione.
Mag-ama naman sina Lance at Benjie.
Kanino kayang love story ang magkakaroon ng happy ending? Abangan ang kuwela at nakakakilig nilang kuwento, malapit na sa GMA!