TV

Family and true love: Ang mga regalong gustong matanggap ni Andrea Torres ngayong Pasko

By AL KENDRICK NOGUERA

Isang araw bago ang Pasko, ibinahagi sa amin ni Kapuso actress and Ang Lihim ni Annasandra star Andrea Torres ang mga regalong gusto niyang matanggap.

Una, tinanong muna namin si Andrea kung naging naughty ba siya or nice this 2014. Isang confident na nice ang nakuha naming sagot.

“Nice ako, definitely masasabi ko 'yan,” pahayag ng Ang Lihim ni Annasandra star.

Dahil hindi naging pasaway si Andrea ngayong taon, mayroon daw siyang gustong gift from Santa Claus. Saad niya, “Ang gift na hihingin ko kay Santa, ang hinihiling ko lang talaga ay makumpleto 'yung family ko.”

Matagal na raw niyang wish ang makumpleto ang pamilya pero hindi pa rin ito nangyayari. Bakit kaya?

“Kasi mayroong nasa abroad, mayroong nasa Australia. So ‘yung nasa Australia lang talaga ' yung pinakahihintay ko para makumpleto na, kasi 'yung nasa States parang two months ago, umuwi na siya,” sagot ng FHM cover girl for December.

Kuwento ni Andrea, iyon lang daw ang kanyang regalong gustong matanggap dahil wala na siyang mahihiling pa sa blessings na nakuha niya ngayong taon. Ngayong taon kasi naibigay ang kanyang first title role sa Ang Lihim ni Annasandra at nagsunod-sunod na din ang mga opportunities at blessings na dumating.

Dahil malaking bahagi ng kanyang taon ang Afternoon Prime soap, nais niya rin daw bigyan ng regalo ang kanyang character na si Annasandra.

“True love and peace of mind. 'Yon ang kailangan ni Annasandra. 'Yon lang naman talaga ang makapagpapasaya sa kanya,” ani Andrea.

Dagdag pa ng Ang Lihim ni Annasandra star, “Whether or not ma-cure 'yung pagiging awok niya, 'yung sumpa niya, as long as may peace of mind siya at makakahanap siya ng tatanggap sa pagkatao niya, I think magiging okay siya.”