TV

Andrea Torres at Cris Villonco, nag-comment sa rumored relationship nina Mikael Daez at Megan Young

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Tikom pa rin ang bibig ni Mikael Daez tuwing tinatanong siya kung ano talaga ang ugnayan nila ni Miss World 2013 Megan Young. Ayon nga sa kanya, what you see is what you get.

Ang tinutukoy ng Ang Lihim ni Annasandra star ay ang Instagram posts nila ni Megan. Halos inamin na rin kasi ng dalawa ang kanilang relasyon sa pictures nila roon.

Noong nag-celebrate si Mikael ng kanyang birthday kamakailan, pareho silang mayroong mystery post sa kanilang Instagram accounts. Nahulaan naman agad ng kanilang followers ang gimmick ng dalawa.

Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagco-confirm si Mikael, minabuti naming tanungin ang co-stars niya sa Afternoon Prime soap na sina Andrea Torres at Cris Villonco tungkol sa issue.

Mapapanood sa video na ito ang pagbuking nila kay Mikael.



Sa hiwalay na interview, tinanong namin si Andrea kung mayroon ba siyang alam sa rumored relationship ng kanyang leading man at ni Megan.

Pag-amin ni Andrea, wala raw siyang alam tungkol sa issue. “Hindi namin pinag-uusapan 'yung mga ganoong bagay. Ako naman, ayoko rin namang itanong. Hindi rin naman niya bini-bring up,” pahayag ng Ang Lihim ni Annasandra star.