GMA Logo Annasandra (Andrea Torres) and Esmeralda (Rochelle Pangilinan)
What's on TV

Ang Lihim ni Annasandra: Ang buhay ni Annasandra kasama si Esmeralda | Week 7

By Dianne Mariano
Published January 4, 2022 10:27 AM PHT
Updated January 4, 2022 1:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Annasandra (Andrea Torres) and Esmeralda (Rochelle Pangilinan)


Matapos mawalay sa kanyang mga magulang, makakasama ni Annasandra (Andrea Torres) sina Esmeralda (Rochelle Pangilinan) at ang ina nito na si Rosario (Maria Isabel Lopez) sa kanilang tahanan sa kagubatan.

Sa ikapitong linggo ng Ang Lihim ni Annasandra, isang kasinungalingan ang hatid ni Esmeralda (Rochelle Pangilinan) kay Annasandra (Andrea Torres) matapos sabihin nito na patay na ang mga magulang ng huli.

Kahit labag man sa kanyang kalooban, niligtas ni Esmeralda ang dalaga mula sa kapahamakan at inamin ang kanyang lihim na isa rin siyang awok.

Lingid naman sa kaalaman ni Annasandra na hindi pa patay ang kanyang mga magulang tulad ng sinabi ni Esmeralda. Halos hindi naman makakain si Belinda (Glydel Mercado) dahil sa kakaisip sa kalagayan ng kanyang nag-iisang anak.

Sa muling paghaharap nina William (Mikael Daez) at Enrico (Pancho Magno), hindi makapaniwala ang una nang sabihin ng huli na kasal na sila ni Annasandra.

Nang dahil sa matinding galit sa kanyang puso, sinaktan at binugbog ni Esmeralda si Annasandra habang ito'y nagtatrabaho. Sa paghahabol ng dalawa, biglang nadulas sa bangin si Esmeralda ngunit nanaig ang pagiging matulungin ng dalaga at niligtas ang una.

Matapos malaman ni Williiam na kasal na si Annasandra, dinamayan ito ni Lorraine (Chris Villonco) at tinulungan din siya ng kanyang ama na kalimutan ang sakit at lungkot na nararamdaman nito.

Natutunan naman ni Annasandra na tunay na pag-ibig ang makakapag-alis ng kanyang sumpa ngunit tila nawala na sa puso nito ang natatanging pag-asa niya.

Makalipas ang isang taon, tuluyan nang lumambot ang puso ni Esmeralda para kay Annasandra. Kasabay nito ay ang tagumpay ng dalaga sa pagkontrol ng kanyang kakahayan tuwing nag-iiba ang anyo nito.

Samantala, hindi naman tumigil at patuloy pa rin ang paghahanap ng mga magulang ni Annasandra sa kanya. Dahil sa sobrang pangungulila sa anak, tuluyan nang nawala sa katinuan si Belinda.

Patuloy na subaybayan Ang Lihim ni Annasandra, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, balikan ng mga eksena sa Ang Lihim ni Annasandra rito.

Ang Lihim ni Annasandra: Esmeralda's secret is out! | Episode 31

Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra's distorted reality | Episode 32

Ang Lihim ni Annasandra: Esmeralda falls into her death | Episode 33

Ang Lihim ni Annasandra: A true love can break Annasandra's curse! | Episode 34

Ang Lihim ni Annasandra: The mother and daughter who yearn for one another | Episode 35