advertisement
TV

IN PHOTOS: Meet the cast of GMA Afternoon Prime series 'Apoy sa Langit'

1 of 13

Apoy sa Langit 

Simula ngayong May 2, mapapanood na natin ang mainit na summer offering ng GMA Network na 'Apoy sa Langit.' Ang 'Apoy sa Langit' ay nasa ilalim ng direksyon ni Laurice Guillen.

2 of 13

Maricel Laxa

Mapapanood si Maricel Laxa sa 'Apoy sa Langit' bilang widowed jewelry designer na si Gemma Hidalgo.

3 of 13

Zoren Legaspi as Cesar Monastreal

Si Zoren Legaspi naman ay mapapanood sa kaniyang pagganap bilang si Cesar Montreal, ang furniture contractor ng pumanaw na asawa ni Gemma na si Rey Hidalgo.

advertisement
4 of 13

Mikee Quintos as Ning Hidalgo

Gaganap si Mikee Quintos bilang Ning Hidalgo, ang talented at charming na anak nina Gemma at Rey na may pinagdaanang trauma sa kaniyang pagkabata.

5 of 13

Lianne Valentin as Stella Fernandez

Si Lianne Valentin ay gaganap bilang Stella Fernandez. Gagawin ni Stella ang lahat para makasama ang lalakeng mahal niya. Siya ang yayanig sa tila baga perpektong pamilya na binuo nina Cesar, Gemma at Ning.

6 of 13

Mariz Ricketts as Blessie Atienza

Ang 'Apoy sa Langit' ay ang muling pagbabalik sa pag-arte sa telebisyon si Mariz Ricketts. Sa kaniyang karakter na Blessie Atienza ay ipapakita ni Mariz ang kaniyang galing sa drama sa pinakabagong summer offering ng GMA Network ngayong 2022.

advertisement
7 of 13

Carlos Siguion-Reyna as Edong Tayag

Ang multi-awarded na aktor at direktor na si Carlos Siguion-Reyna ay gaganap na Edong Tayag sa 'Apoy sa Langit'.

8 of 13

Dave Bornea as Anthony Zulueta

Makikilala sa 'Apoy sa Langit' ang karakter ni Dave Bornea na isang game designer, and IT employee na si Anthony Zulueta. Alamin sa GMA Afternoon Prime kung ano ang magiging papel ng guwapo, mabait, at maalalahanin na si Anthony sa pamilya nina Cesar, Gemma, Ning, at Stella.

9 of 13

Coleen Paz as Patring Benepayo

Ang isa sa mga bagong aktres ng Sparkle na si Coleen Paz ay gaganap bilang Patring Benepayo. Si Patring ay ang bestfriend na laging magpapaalala kay Stella.

advertisement
10 of 13

Celine Fajardo as Iyah Legarda

Mapapanood natin si Celine Fajardo sa GMA Afternoon Prime bilang Iyah Legarda. Si Iyah naman ay mapapanood sa 'Apoy sa Langit' bilang insightful at supportive na bestfriend ni Ning.

11 of 13

Patricia Ismael as Lucinda Fuerte

Si Patricia Ismael ay gaganap sa karakter na Lucinda Fuerte, siya ang masipag at loyal na kasambahay nina Gemma simula nang tumira sila sa Villa Fuego.

12 of 13

Mio Maranan as Toto Pancho

Tutukan si Mio Maranan sa kaniyang karakter na Toto Pancho sa 'Apoy sa Langit'. Si Toto ay ang security guard na may utang na loob kay Gemma dahil sa tulong na ibinigay nito sa kaniyang nanay. Masasaksihan natin sa seryeng ito pagsubok sa katapatan ni Mio.

advertisement
13 of 13

Ramon Christopher Gutierrez as Rey Hidalgo


Abangan ang special participation ni Ramon Christopher Gutierrez sa 'Apoy sa Langit' bilang Rey Hidalgo.