GMA Logo Maricel Laxa in Apoy sa Langit
What's on TV

Maricel Laxa, hindi inaasahang makakabalik pa siya sa showbiz

By Maine Aquino
Published April 27, 2022 2:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Maricel Laxa in Apoy sa Langit


Alamin kung sinu-sino ang mga nagpayo kay Maricel Laxa na bumalik siya sa pag-arte.

Inamin ni Maricel Laxa na hindi niya inakalang magkakaroon pa siya ng comeback sa showbiz.

'Yan ang ibinahagi ni Maricel sa ginanap na virtual media conference ng bagong Kapuso Afternoon Prime series na Apoy sa Langit nitong April 26. Si Maricel ay mapapanood sa Apoy sa Langit bilang isang widowed jewelry designer na si Gemma.

Kuwento ni Maricel, ang kaniyang mga anak ang nagsabi sa kaniya na oras na para bumalik siya sa pag-arte. Ang mga anak ni Maricel ay sina Donny, Ella, Benjamin, Hannah at Solana Pangilinan.

"My kids," pag-amin ng aktres. "Sabi nila "mom, you know we're fine. You've given us enough time, it's time for you to shine now."

Apoy sa Langit Madz Aguilar

Ayon pa sa Apoy sa Langit actress, hindi niya naisip na magbabalik at mag-e-enjoy siya sa showbiz life muli. Saad pa ni Maricel, excited ang kaniyang mga anak na malaman ang natututunan niya sa pagbabalik sa pag-arte.

"I didn't think of myself coming back to showbiz or even imagining na magkakaroon pa ako ng second wind and a season na na-e-enjoy ko talaga. Ngayon I'm just so happy that I have their blessing and excited silang malaman kung ano ang mga bago kong natututunan."

Ayon kay Maricel, masaya siya sa comeback niya sa showbiz.

"Marami rin akong nai-explore na mga bagay na nagugulat ako so nago-grow ako. Naggo-grow din 'yung audience. Natutuwa ako na may pagkakataon pa na ganito na ibinibigay pa sa artista na nagbabalik."

Pag-amin ni Maricel, hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon. Ngunit dumating ang opportunities sa kaniya sa tamang oras.

"Kasi hindi naman lahat nabibigyan ng pagkakataon. Kung gusto nila, hindi naman ibig sabihin meron. The opportunities just presented themselves at the perfect time."

Tutukan ang pagsisimula ng Apoy sa Langit ngayong May 2, 2:30 p.m. sa GMA Network.

Samantala, balikan ang mga naganap sa likod ng camera ng lock-in taping ng Apoy sa Langit.