
Ilang netizens ang nagpahayag na sila ay nagandahan at na-excite sa kuwento ng Apoy sa Langit.
Ngayong May 2 ang world premiere ng GMA Afternoon Prime series na pinagbibidahan nina Zoren Legaspi at Maricel Laxa. Kasama rin nila sa kapana-panabik na kuwentong ito sina Mikee Quintos at Lianne Valentin.
Photo source: Apoy sa Langit
Ngayong hapon ay ipinakita na kung paano nauwi sa trahedya ang masayang buhay ng pamilya Hidalgo. Dito ipinakita ang sakripisyong ginawa ni Rey Hidalgo (Ramon Christopher Gutierrez) para sa pamilya.
Ilang mga netizens ang nag-post ng kanilang reaksyon sa bagong kuwentong handog ng GMA Network.
Saad nila, unang episode pa lang ay nagandahan na sila sa istorya ng Apoy sa Langit.
Photo source: Twitter
Ilan naman ang nagsabi na sila ay excited na sa mga susunod na magaganap sa Apoy sa Langit.
Photo source: Twitter
Tutukan ang mga susunod na episodes ng Apoy sa Langit Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga.
Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Samantala, kilalanin ang cast ng Apoy sa Langit dito: