
Hahabulin na ng nakaraan si Stella (Lianne Valentin).
Sa episode nitong May 16 ng Apoy sa Langit, nagpakita na ang ex-boyfriend ni Stella na si Anthony (Dave Bornea). Si Anthony ang dating naka-relasyon ni Stella sa Cebu. Makakaharap ni Cesar (Zoren Legaspi) si Anthony dahil sa nakita niyang pagtatalo nila ni Stella.
Photo source: Apoy sa Langit
Samantala, muling gagawa ng paraan para akitin ni Stella si Cesar. Masisira naman ang korona na inihanda ni Ning (Mikee Quintos) para sa isang importanteng client presentation.
Alamin ang mangyayari sa mga susunod na episode ng Apoy sa Langit, Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.
Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.