
Unti-unti nang nagtatagumpay si Stella (Lianne Valentin) sa mga plano niya kay Cesar (Zoren Legaspi).
Nitong May 19, napanood sa Apoy sa Langit ang mga ginawa ni Stella para maakit si Cesar. Sa gitna ng kaniyang pang-aakit, ay darating naman si Gemma (Maricel Laxa) para makipag-ayos kay Cesar.
Photo source: Apoy sa Langit
Samantala, si Ning (Mikee Quintos) naman ay kakausapin si Stella tungkol sa problema nito sa pag-ibig.
Abangan ang mga maiinit na eksena ng Apoy sa Langit, Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.
Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.