GMA Logo Apoy sa Langit
What's on TV

'Apoy sa Langit,' patuloy sa pagtaas ang ratings

By Maine Aquino
Published June 7, 2022 12:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Apoy sa Langit


Painit na ng painit ang mga eksena kaya naman parami na rin ng parami ang sumusubaybay sa 'Apoy sa Langit'

Patuloy sa pagtutok ang mga Kapuso viewers sa GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Langit.

Noong June 1, umani ng 6.1% rating ang episode ng Apoy sa Langit ayon sa NUTAM People Ratings. Samantala, 5.7% rating naman ang nakuha ng serye noong June 3.

A post shared by GMA Drama (@gmadrama)

A post shared by GMA Drama (@gmadrama)


Sa June 1 episode ay kinompronta ni Gemma (Maricel Laxa) si Cesar (Zoren Legaspi) sa mga binibili niya para sa ibang babae. Napagtakpan naman agad ni Stella (Lianne Valentin) nang sinabi niyang ibinigay sa kanya ito ni Cesar.

Sa episode naman nitong June 3 ay nakaharap ni Gemma ang inaakala niyang babae ni Cesar. Ang hindi niya alam ay isa ito sa mga plano nina Cesar at Stella para patuloy sila sa kanilang itinatagong relasyon.

Patuloy na sundan ang mga maiinit at kapana-panabik na mga eksena ng Apoy sa Langit, Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.

Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.