TV

Zoren Legaspi, may singing video sa pagtatapos ng lock-in taping ng 'Apoy sa Langit'

By Maine Aquino

May inihandang awitin si Zoren Legaspi para sa pagtatapos ng mahabang lock-in taping ng Apoy sa Langit.

Si Zoren ay napapanood sa tinututukang GMA Afternoon Prime Drama bilang si Cesar.

Photo source: Apoy sa Langit/ Madz Aguilar

Ayon sa Instagram post ni Zoren, ito ay last song niya bago umalis sa set ng Apoy sa Langit. Kinanta ni Zoren ang "Until I Found You" ni Stephen Sanchez.

Saad ng aktor, "last song ko before leaving our 2 months lock-in #apoysalangit"

A post shared by zoren_legaspi (@zoren_legaspi)

Sa nakaraang post ni Zoren ay nagpasalamat siya sa mga sumusubaybay sa kanilang serye. Ani Zoren, "Gusto ko lang po magpasalamat sa inyo sa pag supporta ng Apoy sa Langit. Its breaking records in terms of TV ratings and online views."

Saad pa ni Zoren ay huwag magpapahuli sa mga susunod na magaganap sa Apoy sa Langit.

"Marami pa mangyayari na kaabang abang. Salamat po muli sa inyo ❤️❤️❤️"

Ang Apoy sa Langit ay patuloy na nagtatala ng mataas na ratings sa TV at views online. Nitong June 29 umani ng 7.6% rating ang Apoy sa Langit ayon sa NUTAM People Ratings.

Abangan ang mga magaganap sa Apoy sa Langit, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.

Samantala, maaari na ring mapanood ang Apoy sa Langit at iba pang GMA Afternoon prime drama online. Abangan ito sa GMA Network's YouTube account, Facebook page at GMA Entertainment site.