GMA Logo apoy sa langit
What's on TV

Mainit na rebelasyon sa 'Apoy sa Langit,' panalo sa ratings

By Maine Aquino
Published July 27, 2022 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Netizens delighted over rescue dog, Che-che, who smiles at the sound of her name
Babae, Patay Human Mabangga ang Gisakyang Motor sa Sidecar sa Mixer Truck | Balitang Bisdak
Authentic Japanese food, MAY PINOY TWIST! | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News

apoy sa langit


Tinutukan nang husto ng mga manonood ang mga pasabog na eksena ng 'Apoy sa Langit.'

Patuloy sa pag-ani ng mataas na ratings ang mga episodes ng inaabangang GMA Afternoon Prime drama na Apoy sa Langit.

Sa July 25 episode, napanood na ang pinakahihintay ng lahat--ang malaman ni Gemma (Maricel Laxa) ang relasyon nila Cesar (Zoren Legaspi) at Stella (Lianne Valentin).

Ang episode ng Apoy sa Langit na ito ay umani ng 8.2% rating ayon sa NUTAM People Ratings.

Apoy sa Langit

PHOTO SOURCE: Apoy sa Langit

Narito ang mga eksena sa episode nitong July 25.

Abangan ang mga painit nang painit na mga rebelasyon sa Apoy sa Langit, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.